BALITA
Mayo 26,2026
LITO LAPID, TULUYAN NANG TUMALON SA 13-MAJORITY BLOC NI CAYETANO! 
Mas lalong umiinit ang bangayan sa Senado matapos opisyal na kumpirmahin na si Senador Lito Lapid ay kumalas na sa kampo ng 11-minority bloc o Bulaga OnSe na pinamumunuan umano nina Tito Sotto at mga kaalyado nito, at tuluyan nang pumuwesto sa mas malakas ngayong 13-majority bloc o The Brave 13 sa ilalim ng bagong Senate President na si Alan Peter Cayetano! 
Dating tahimik sa minority lineup, ngayon ay malinaw na pinili ni Lapid kung saan mas may aksyon, mas may direksyon, at mas may kakayahang magpatakbo ng Senado. Matapos ang makasaysayang 13-9 voting na nagpabagsak sa dating liderato, sunod-sunod na ang paggalaw ng mga senador na tila ayaw nang ma-stuck sa grupong puro kontra pero kulang sa numero! 
siguro AYAW MA-ISTAMBAY SA “11-DISIPLES NG OPPOSITION”
Ayon sa mga usap-usapan sa loob ng Senado, maraming senador ang napansin na tila nawalan na ng kontrol at impluwensya ang minority bloc matapos matalo si Tito Sotto sa liderato. Kaya naman ang ilan, unti-unti nang lumilipat sa kampong may tunay na kapangyarihan para maituloy ang mga proyekto at batas.
Sa pahayag ni Lapid:
“Mas mapapabilis ang trabaho at mas marami tayong matutulungan kapag nasa majority. Hindi ito personalan, trabaho ito para sa tao.”
Pero siyempre, hindi napigilan ng netizens ang bumira sa BUlaga onse!
Marami rin ang nagsasabing malaking sampal ito sa kampo ni Sotto dahil kahit dating kapanalig nila si Lapid, pinili nitong sumama sa mas organisado at mas matatag na majority bloc.
Sa social media, umugong pa ang banat ng netizens:
Samantala, supporters ng majority bloc, todo suporta naman sa bagong pagkakaisa sa Senado at sinasabing mas magiging mabilis umano ang pagpasa ng mahahalagang batas sa ilalim ng bagong liderato.